Nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gawing ultimate goal ang mapababa ang bilang ng mga mamamatay dahil sa sakit sa bato.
Sa ginawang pagdalo ng chief executive sa ika-40th anibersaryo ng National Kidney and Transplant Institute o NKTI, inihayag nito na dapat na mapigilan sana ang kamatayang ikinakapit sa kidney disease lalo na para sa mga walang access sa dialysis treatment dahil na din sa gastos na kailangan dito.
Sa harap nito’y binigyang-diin ni Pangulong Marcos na kailangang masigurong readily available at maa-access ng mga nangangailangan ng dialysis ang naturang uri ng panggagamot.
Importante din sabi ng pangulo na maging cost effective o sulit Ang pagda-dialysis sa ilan nating mga kababayang dumaraan dito.
Kaya a ng bilin ng punong ehekutibo sa mga taga NKTI, ipagpatuloy ang pagseserbisyo at magsagawa ng mga inobasyon para mabawasan ang katalista sa universal healthcare mortality rate ng kidney diseases.