Pinapanalangin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang patuloy na paggaling ni Princess Kate ng Whales sa sakit na kanser.
Sa isang pahayag sinabi ng Punong Ehekutibo, kaisa ang sambayanang Filipino sa pagdarasal para sa agarang pag rekober ni Princess Kate.
Panalangin din nito na magkaroon ng lakas ng loob ang Royal family lalo na sa panahong ito.
Una ng inihayag ni Princess Kate na mayruon siyang cancer at kasalukuyang sumasailalim sa gamutan.
Humiling din ang Prinsesa ng privacy.
” The Filipino people have Catherine, the Princess of Wales, in our thoughts and prayers throughout this challenging time. We pray for her good health and continued healing, and for the strength of her family during this difficult period,” mensahe ni Pang. Ferdinand Marcos Jr.