Nanindigan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na walang karapatan ang International Criminal Court na manghimasok sa judiciary system ng pilipinas.
Ito ang binigyang-diin ng punong ehekutibo sa ginanap na pulong balitaan ngayong araw pagkatapos ng kaniyang pagdalo sa idinaos na Philippine Military Academy alumni homecoming dito sa Fort del Pilar, Baguio City.
Ayon sa Pangulo, hanggang ngayon ay hindi parin nagbabago ang kaniyang posisyon hinggil sa naturang usapin na may kaugnayan sa inanunsyo ng International Criminal Court na muling pagbubukas sa imbestigasyon nito sa drug-related death ng administrasyong Duterte.
Aniya, maraming butas ang hurisdiksyon ng naturang korte pagdating sa panghihimasok nito sa internal matters ng pilipinas na banta sa soberanya ng ating bansa.
“I have stated it often even before I took office as President that there are many questions about their jurisdiction and what can be — what we in the Philippines regard as an intrusion into our internal matters and a threat to our sovereignty.” ayon kay President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Bukod dito ay iginiit din ni Marcos na mayroong magandang judiciary system ang ating kapulisan dahilan kung bakit hindi na aniya kinakailangan pa ng assistance ng ating pamahalaan mula sa ibang bansa pagdating sa imbestigasyon sa naturang usapin.
“So no, I do not see what their jurisdiction is. I feel that we have in our police, in our judiciary, a good system. We do not need assistance from any outside entity, the Philippines is a sovereign nation and we are not colonies anymore of this former imperialist. So that is not something that we consider to be a legitimate judgment.”
“So until those questions of jurisdiction and the effects of the sovereignty of the Republic are sufficiently answered, I cannot cooperate with them. “
Samantala ang naturang pahayag ng punong ehekutibo ay mariing sinang ayunan aman ni PNP chief Azurin.
Aniya kasalukuyan na ding nagpapatuloy ang kanilang imbestigasyon sa ibat ibang kasong nais tignan ng icc.
“So far ongoing pa rin yung ating pagrerebisa nung mga different cases na sinasabi ng yung mga gustong ICC ang magtake over gaya nung sinabi ng ating pangulo is we have a working justice system. So I think we have to follow that lead of our president.” ani PNP Chief PGen. Rodolfo Azurin Jr.