Nagpaabot din ng pagbati ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa lahat ng miyembro ng Filipino-Chinese community sa pagdiriwang ng Chinese New Year ngayong araw.
Sa isang mensahe ay ipinaabot ng pangulo ang isang mapala at masaganang pagpasok ng Year of Wood Dragon ngayong taon.
Kasabay nito ay nanawagan din si Pangulong Marcos Jr. sa lahat na mas lalo pang pagyamanin ang kasaganaan ng cultural identity ng bawat isa bagamat nasa isang diversed ngunit nagkakaisang komunidad tayo para sa mas mapayapa, harmonious, at progresibong Pilipinas.
Kaugnay nito ay naniniwala rin ang punong ehekutibo na sa pamamagitan ng matibay na commitment at resolve ng bawat isa magagawang maisakatotohanan ang pagtupad sa ating mga pangarap.
Hinimok din niya ang lahat na mag-refelect sa naging accomplishments noong 2023 at pahalagahan ang mga tagumpay bilang inspirasyon na rin ngayong taon.