-- Advertisements --

Muling pinayuhan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si suspended Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves na umuwi na ng bansa at harapin ang kaniyang mga kinakaharap na alegasyon partikular da pagpatay kay Gov. Roel Degamo.

Una rito, nakaharap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si H.E Taur Matan Ruak, Prime Minister ng Timor-Leste sa isang bilateral meeting sa huling araw ng kaniyang pakikilahok sa 42nd ASEAN Summit.

Sa pulong, inihayag ni PBBM ang kanyang suporta sa pagpasok ng Timor-Leste bilang miyembro ng ASEAN, maging sa mga inisyatibo ng bansa para sa kanilang nation-building.

Pinasalamatan din ng Pangulo si PM Ruak sa mabiliis nitong aksyon hinggil s pagtanggi sa hinihinging political asylum ni Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr.

Iniulat naman ng DFA na tinanggihan ng Timor Leste ang aplikasyon ni Teves para sa political asylum at ipinag utos na umalis na ito sa nasabing bansa sa loob ng limang araw.

Binantaan naman ni Speaker Romualdez si Teves kapag hindi ito umuwi ng bansa au muling mag convene ang house committee on ethics and priviledges at posibleng patawan ito ng panibagong sanction o parusa.