Kumpiyansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kakayahan ng ibat ibang government agencies sa pagtugon sa mga kalamidad.
Sinabi ng Pangulo, hindi na niya kailangang magbigay pa ng special instructions sa mga ahensiya ng pamahalaan sa panahon ng kalamidad
Nang matanong ang Presidente sa Luna, Apayao, kung ano ang kaniyang utos sa mga ahensiya ng pamahalaan dahil isa ang cordillera region sa matindi rin kung tamaan ng kalamidad tulad ng malalakas na bagyo.
Sinabi ng Pangulo, sa simula pa lamang ng kaniyang administrasyon ay nakapaglatag na sila ng sistema o standard operating procedure kasama ang mga kaukulang ahensiya ng pamahalaan para sa mga kailangang gawin bago pa lamang tumama ang kalamidad
Inihalimbawa nito ang pag prepositioned ng mga food and non food items at emergency supplies sa isang rehiyon o probinsiya na tatamaan ng kalamidad, para maging on time ang pagtugon ng gobyerno sa sandaling dumating na ang kalamidad tulad ng bagyo na kadalasan ay may kasunod pang landslides at flashfloods.
Ayon sa Pangulo, laging naka pronta at nakahanda sa ganitong mga operasyon ang dswd sa pangunguna ni secretary rex gatchalian na kahit hindi na aniya sila mag usap pa ay alam na ang mga gagawing aksyon.