-- Advertisements --
image 146

Inatasan na ni Pang. Ferdinand Bong bong Marcos Jr. ang mga kaukulang ahensiya ng pamahalaan upang tumugon sa pangangailangan at tulungan ang mga kababaihang naging biktima ng mga pang-aabuso ng mga Hapones, noong ikalawang digmaang pandaigdig.

Ayon kay Pang. Marcos, sa kasalukuyan ay mayroong 24 na babaeng Pilipino na bahagi ng isang non-profit organization na Malaya Lolas na una nang humihingi sa pamahalaan ng kabayaran at social support matapos umano silang naging biktima ng sexual slavery noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Sinabi ni Pang Marcos na ipinag-utos na niya sa mga ahensiya ng pamahalaan ang pag-review sa claims ng mga ito, at ang posibilidad ng pagtulong sa kanila.

Ayon kay Pang Marcos, hangad ng kanyang administrasyon na ma-empower ang mga kababaihan, at magkaroon ng pagkakapantay-pantay sa karapatan ng mga tao sa lipunan.

Dagdag pa ng pangulo, pinag-aaralan na rin ng kaukulang ahensiya ang maaaring ibigay na tulong sa mga biktima, alinsunod sa pananaw ng United NAtions Convention on the Elimination of All Discrimination Against Woment o CEADAW.

Ang resulta ng kanilang pag-aaral aniya ay ilalabas sa loob ng anim na buwan, para sa kaukulang hakbang ng pamahalaan.

Magugunitang noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay libo-libong mga kababaihan ang naging biktima ng sexual slavery ng mga Japanese Military forces.

Noong 1956, ilang taon makalipas ang digmaan, pumirma ang Pilipinas at Japan ng isang reparation agreement na nag-oobliga sa Japan upang magbigay ng tulong, at serbisyo na tinatayang nagkakahalaga ng $550Million.