-- Advertisements --
pbbmbigas

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa National Housing Authority (NHA) ang agarang pagkumpleto ng proyektong pabahay sa Antique upang makalipat na ang nasa 770 pamilya mula sa probinsiya sa kanilang bagong tahanan sa Pasko.

Ang mga pamilyang ito ay ang mga nasalanta ng hagupit ng bagyong Paeng noong nakalipas na taon.

Ginawa ni PBBM ang naturang pahayag matapos na maipaalam sa kaniya ang hindi pa natatapos na proyekto ng NHA sa probinsiya.

Maliban dito, ipinag-utos din ng Pangulo sa DPWH ang mabilis na rehabilitasyon sa Paliwan Bridge sa Antique matapos masira mula sa pananalasa ng bagyong Paeng.

Binigyang diin din ng punong ehekutibo sa DPWH sa Western Visayas na iprayoridad ang rehabilitasyon ng naturang tulay.

Kahapon nga ng binisita ni PBBM ang Antique kung saan namahagi ito ng 1000 sako ng premium rice mula sa nasamsam na smuggled rice para sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa muinisipalidad.