-- Advertisements --
Kinumpirma ngayon ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na pirmado na ni Pangulong Bongbong Marcos ang Executive Order 3 na magiging voluntary na lamang ang pagsusuot ng face mask sa outdoors.
Gayunman ayon kay Angeles ang mga senior citizens at doon sa mga mahihina ang immunities ay hinihikayat pa rin na panatilihin ang pagsusuot ng face mask.
Nilinaw din ng kalihim na ang bagong polisiya sa pagbabago sa paggamit ng face masks na nilagdaan ng Pangulong Marcos at epektibo kaagad.
Kung maalala una nang nagsimula ang pagluluwag sa patakaran ng pagsusuot ng face mask sa outdoor matapos na maunang magpatupad ng polisiya ang lungsod ng Cebu.