Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Special Assistant to the President (SAP) Secretary Antonio Lagdameo Jr,. na magbigay ng tulong sa mga residenteng apektado sa pagtama ng malakas na lindol sa Mindanao.
Kaugnay nito, ipinag-utos ni SAP Sec. Lagdameo sa Office of the Presidential Assistant for Eastern Mindanao na tugunan ang lahat ng concerns ng mga apektado ng lindol.
Bilang tugon, nakikipag tulungan na si Office of the Presidential Assistant for Eastern Mindanao Leo Tereso Magno sa Office of Civil Defense sa mga tinamaang rehiyon at iba pang mga ahensya ng gobyerno para i-evaluate ang sitwasyon sa idinulot na pinsala ng lindol.
Hinikayat din nito ang publiko na manatiling kalmado at alerto at ugaliin ang pagsasagawa ng duck, cover and hold kapag tumatama ang lindol.
Hinimok din ni VP Sara Duterte ang mamamayan na manatiling kalmado at icheck ang kanilang mga bahay at gusali para makapaghanda sa pinsala at sa posibleng aftershocks.
Nitong Sabado, iniulat ng NDRRMC na nasa 7 katao na ang napaulat na nasawi subalit ito ay bineberipika pa, nasa 2 naman ang nasugatan at 2 ang napaulat na nawawala matapos ang pagtama ng lindol.