Ikinatuwa ni Pang. Ferdinand Bongbong Marcos ang patuloy na pagbaba ng inflation rate ng Pilipinas at pagdami ng bilang ng may trabaho.
Nasa 6.1% ang naitalang headline inflation para sa nagdaang buwan ng Mayo.
Para sa chief executive isang nakakasiglang balita ito para sa ekonomiya ng bansa.
Ayon sa PSA, ilan sa mga pangunahing dahilan ng pagbagal ng inflation rate sa buwan ng Mayo 2023 ay ang mas mabagal na paggalaw ng presyo ng transport, food at non-alcoholic beverages, at restaurant at accommodation services.
Ayon sa chief executive patunay ito na nasa tamang direksiyon ang tinatahak ng gobyerno lalo na ang mga ipinatutupad na polisiya para manumbalik ang sigla ng ating ekonomiya.
Siniguro ng Pangulo na ipagpatuloy nito ang kanilang mga ginagawa para bumalik ang bansa sa magandang sitwasyon, ito ay bukod pa sa pagiging fully operational ang mga insdustriya at negosyo.
Kumpiyansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na unti-unti ng makakamtan ang kaginhawaan sa patuloy na pagbaba ng inflation sa bansa.
Binigyang-diin ng Pangulo na batid nito ang hangarin ng bawat isa na magkaroon ng mas maginhawang pamumuhay kayat kaya’t patuloy na pinalalakas ng gobyerno ang mga pang-ekonomiyang hakbang ng pamahalaan.
” Today we received encouraging news that our inflation rate has now gone down from the former 6.6 percent to 6.1 percent. And our employment figures are also improving. And so it would seem that we have started off in the right foot, tama naman yata ang ating ginawang mga polisiya para buhayin at gawing masigla ulit ang ating ekonomiya,” pahayag ng Pangulong Marcos.
















