Ipinagmalaki ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang patuloy ang paglago ng Foreign Direct Investments sa nakalipas na apat na sunod sunod na buwan.
GInawa ng Pangulo ang pahayag sa kaniyang pagdalo sa Indo- Pacific Business Forum na ginanap sa Taguig City ngayong araw.
Ayon sa Presidente, malaki ang naiambag dito ng indo pacific economic framework partner countries kabilang ang Australia, Brunei Darussalam, Fiji, India, Indonesia, Japan, Republic of Korea, Malaysia, New Zealand, Singapore, Thailand, Vietnam, at Pilipinas.
Layunin aniya ng mga bansang kasapi ng info pacific economic forum na makatulong para sa katatagan, pag unlad, at kapayapaan sa rehiyon.
Sinabi ng pangulo na target ng kaniyang administrasyon na gawing regional center para sa manufacturing at services ang Pilipinas.
Maganda aniya ang performance ng ekonomiya ng bansa, sa katunayan ay lumago aniya ito ng 5.5% noong isang taon, nalagpasan pa aniya ang mga pangunahing bansa sa asya.