-- Advertisements --

Binigyang-diin ng Malakanyang na nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na maibigay kung ano ang makakabuti sa mga manggagawang Pilipino.

Ito’y kasunod ng pagpapatibay ng House of Representatives sa panukalang batas ang P200 legislated wage increase.

Kahapon inaprubahan sa plenaryo ng Kamara ang nasabing panukalang batas kung saan 172 Kongresista ang bumuto pabor sa nasabing panukala.

Bago pa pinagtibay ng Kamara ang nasabing panukala kahapon, nuong Lunes nakipagpulong ang mga labor groups kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa Malakanyang.

No comment naman ang Palasyo kung may basbas mula sa Punong Ehekutibo ang pag-apruba ng Kamara sa nasabing panukala.

Tugon naman ni Palace Press Officer USec. Claire Castro sa pag-apruba ng Kamara sa P200 legislated wage hike na pag-aaralan pa rin ng gobyerno ang magiging implikasyon nito sa ekonomiya.

Sinabi Castro na titingnan ng Pangulo ang lahat ng aspeto at ang conerns ng lahat ng mga stakeholders.

Sa naging pulong ng Pangulo kasama ang mga labor leaders sinabi nito na nais niyang masiguro na mananatiling protektado ang karapatan at kapakanan ng mga Pilipinong mangagawa.

Binigyang-diin ng Presidente na patuloy ang suporta ng gobyerno sa bukas at makabuluhang usapan tungo sa trabahong may dignidad, sahod na sapat, at kinabukasang may pag-asa para sa bawat pamilyang Pilipino.

Sa kabilang dako, muling binigyang-diin ni Castro na pag-aaralan pa rin ng Pangulo kung lalagdaan at maging batas ang panukalang P200 legislative wage hike.

Kahit naipasa na ito sa Kamara, dadaanan pa ito sa Senado.