Inaasahan ang pagbisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa Davao City ngayong araw, ika-27 ng Oktubre ng kasalukuyang taon. Dadalo ang Pangulo sa inagurasyon o groundbreaking ng Samal Island – Davao City Connector Bridge kasama ng iba pang mga opisyal mula sa Department of Public Works and Highways, Department of Tourism, Department of the Interior and Local Government, at Regional Development Council 11.
Pagkatapos ng groundbreaking ceremony, dadalo naman ang Pangulo sa DPWH Regional Office sa Panacan, Davao City upang maghatid ng tulong sa mga kababayan sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng Department of Social Welfare and Development 11.
Inaasahan din ang presensya ng Pangulo sa gagawing seremonya sa Eastern Mindanao Command, Naval Station Felix Apolinario, Panacan, nitong lungsod, para sa opisyal na deklerasyon ng Davao Region bilang insurgency free region.
Lalahukan din ito ng mga opisyal ng EASTMINCOM, Regional Development Council at Regional Peace and Order Council 11.