-- Advertisements --

Iginiit ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na wala silang isinasantabing mga suhestyon at lahat ng opsyon ay ikunukonsidera sa pagtugon sa epekto ng Middle East crisis.

Tugon ito ng Pangulo nang mahingan ng reaksyon sa mga panukalang ibasura ang Oil Deregulation Law sa gitna ng napakataas na presyo ng langis.

Sinabi ni Pangulong  na  patuloy na pinag-aaralan ng pamahalaan ang lahat ng posibleng hakbang, kabilang ang panukalang pagbasura sa Oil Deregulation Law at pagtanggal ng VAT sa fuel imports, upang maibsan ang epekto ng krisis sa langis dulot ng tensyon sa Gitnang Silangan.

Gayunman, binigyang-diin ng Pangulo na mas nakatuon sa ngayon ang gobyerno sa mga agarang solusyon na direktang makatutulong sa mamamayan.

Ayon sa kanya, mangangailangan pa ng mahabang diskusyon ang pag-amyenda o pag-repeal ng Oil Deregulation Law kaya’t hindi ito agad maipatutupad.

Sa ngayon, inuuna ng administrasyon ang mabilisang pagbibigay ng tulong upang mapagaan ang pasanin ng publiko sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.