
Binigyang diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang pagpapalakas pa ng relasyon ng Pilipinas sa Japan hindi lamang sa ekonomiya kundi maging sa seguridad at depensa sa gitna ng umiigting na tensiyon sa rehiyon.
Sa courtesy call ni Komeito Party Chief Representative Hon. Yamaguchi Natsuo kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr, binigyang diin din ni PBBM ang ugnayan ng dalawang bansa sa usapin ng kalakalan at pag-unlad.
Partikular na ikinonsidera ni Pangulong Marcos ang kritikal na isyu ng paglulunsad ng missiles at weapon tests ng North Korea na nagresulta ng tensiyon sa Japan.
Inihayag pa ng punong ehekutibo na dapat na magtulungan ang mga bansa sa rehiyon upang maiwasan ang tensiyon at upang mangibabaw ang lahat ng proponents ng kapayapaan sa rehiyon.
Sinabi naman ng Japanese official na bukas ang kanilang bansa na palakasin pa ang kooperasyon nito sa Pilipinas hindi lamang sa defense cooperation kundi mging sa maritime security cooperation at usapin sa agrikultura.










