-- Advertisements --
Magsasagawa ng laro sa unang pagkakataon ang PBA sa bansang Bahrain.
Sinabi ni PBA Commissioner Willie Marcial na gagawin ito sa Disyembre 15 at 17.
Ang nasabing laro ay bilang bahagi ng ika-50 anibersaryo ng liga.
Kasama nito sa pag-anunsiyo si Bahrain Basketball Association president Alaa Mudara .
Ito ang unang pagkakataon na maglalaro ang PBA sa nasabing bansa habang ang Bahrain ay mayroong tatlong koponan sa liga.
Bago ang Bahrain ay magsasagawa muna ng laro ang PBA sa Dubai sa buwan naman ng Oktubre.