-- Advertisements --
Pumanaw na si dating PBA star Emmanuel “Boybits” Victoria sa edad 50.
Kinumpirma ito ng kaniyang kapatid na si Bing kung inatake umano sa puso ang kapatid.
Naging Rookie of the Year noong 1994 habang naglalaro sa San Beda College.
Matapos noon ay naging third overall pick siya ng koponang Swift sa PBA draft.
Kasama siya sa kampeonato ng Swift sa PBA Philippine Cup at Commissioner’s Cup sa ilalim doon ni coach Derick Pumaren.
Pagdating ng 1998 ay nai-trade siya sa San Miguel kung saan naging back-up siya ni Olsen Racela para mangibabaw ang koponan mula 1999 hanggang 2001.
Matapos ang kaniyang pagreretiros ay pumasok siya sa coaching at naging sports broadcasters siya.
Taong 2018 ng ma-diagnosed siya ng kakaibang autoimmune disorder.