BOMBO DAGUPAN – Wala na bang ibang qualified na pwedeng mailagay?
Ito ang pakuwestyong reaksyon ni Atty. Michael Henry Yusingco na isang political analyst hinggil sa pagkakatalaga muli ni dating Leocardio Sebastian bilang undersecretary ng rice industry ng Asian Solidarity Economy Council (ASEC) ng Department of Agriculture (DA)
Bakit aniya tila nagre-recycle lang ng mga appointees ang pamahalaan. Tinukoy niya pa ang gawaing ito bilang sakit ng pulitika dahil ganito na rin ang mga nangyayari noon pang mga dating administrasyon.
Napakabulok aniya ng civil service culture ng Pilipinas. Walang delikadesa at hindi na nahihiya.
Ang mga salitang ‘yan pa ang ilan pa sa kaniyang mga paglalarawan sa mga opisyal na tumatakbo sa isang posisyon gayong alam naman nilang mayroon silang mga kaso.