-- Advertisements --

Nagbitiw na sa kaniyang puwesto bilang Presidential Adviser on Creative Communications si Paul Soriano.

Kinumpirma ito ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil nitong Huwebes ng gabi.

Sinabi ni Soriano na nais niyang bigyang prioridad ngayon ang kaniyang personal na buhay lalo na ang kaniyang pamilya.

Hindi pa binanggit ni Garafel kung sino ang kapalit ni Soriano.