Pinatitiyak ni Bicol Saro Partylist Representative Brian Raymund Yamsuan sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na ipagpatuloy ang edukasyon at training sa kanilang mga police personnel kasunod ng mga alegasyon na nasasangkot sa mga iregularidad at misconduct.
Napansin kasi ni Yamsuan sa isinagawang pagdinig ng House Committee on Public Order and Safety na ang mga PNP officers na akusado sa paglulunsad ng illegal drug buy-bust operations ay kulang sa kaalaman partikular sa police operational procedures.
Nabatid na isa sa mga akusadong pulis ay kailanman hindi sumailalim sa retraining at refresher course simula ng pumasok ito sa PNP service nuong 2010.
“So in his 13 years in the service, he never underwent the mandatory training required of police officers. This lack of training and continuing education in the PNP is among the reasons why problems occur during police operations, why there are missteps and irregularities committed,” pahayag ni Yamsuan.
Binigyang-diin ni Yamsuan na mahalaga na sumailalim sa training mga kapulisan para maiwasan ang anumang misconduct.
Ipinunto din ng mambabatas na dating opisyal ng DILG na alalayan ang mga pulis at turuan sila ng tamang police operational procedures.
Sa budget briefing ng DILG para sa kanilang proposed 2024 budget, tinanong ni Yamsuan si PNP Chief, Police Gen. Benjamin Acorda Jr., kung paano nila ginagastos ang kanilang pondo sa education at training ng kanilang mga kapulisan.
Nasa P1.26 billion ang panukalang pondo ng PNP para sa fiscal year 2024 na nakalaan sa education and training para sa uniformed personnel kumpara nuong 2023 budget na nasa P1.47 billion.
Nasa kabuuang P300 million ang inilaan para sa PNP’s police education program para sa taong 2023 para sa training ng mga law enforcement officers na isinagawa ng prosecutors at representatives mula sa Department of Justice (DOJ) na layong matulungan ang mga police officers na ma-improve ang kanilang evidence gathering at conviction rates sa criminal cases.
Batay sa ulat ng DOJ nasa 80 percent ng kaso na inihain sa prosecutors office ay nadismissed ng koret dahil sa kakulangan ng ebidensiya at technicalities.
SIniguro ni Yamsuan na suportado nito ang PNP kung kakailanganin pa nila ng dagdag na pondo para sa police education program para sa susunod na taon.
Binigyang-diin naman ni Acorda na required ang mandatory training para sa mga nag-aaply ng promotion at bukas sa lahat ng personnel ang specialization training.