Magsasagawa ng paglalayag ang mga offshore civilian patrol vessel ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ngayong araw kasabay ng ika-125 anibersaryo ng Independence day sa may Pag-asa island para alalayan ang mga mangingisda sa gitna ng tensyon sa West Philippien Sea.
Ayon sa BFAR, maglalayag ang BRP Francisco Dagohoy mula sa Oyster Bay Naval Base sa Barangay Macarascas, Puerto Princesa para sa nasabing misyon.
Magdadala ang BFAr ng fishing gear at post-harvest equipment para sa mga benepisyaryo sa Pag-asa island.
Nakatakdang iturn-over ang mga fishing equipment sa fishing community sa isla.
Pangungunahan naman ni BFAR national dircetor at Atty. Demosthenes Escoto ang naturang paglalayag sa may Pag-asa island.
Inaasahang nasa dalawang asosasyon ng mga mangingisdang Pilipino ang magbebenipisyo mula sa capacity building at livelihood training.