-- Advertisements --

Mahigit 42,000 na COVID-19 cases ang panibago na namang naitala ngayon sa Amerika kung saan nasa 571 ang dagdag pang nasawi.

Ayon ulat ng John Hopkins University tally nasa mahigit 5.4 million na ang coronavirus cases mula nang pumutok ang pandemya.

Ang naturang bilang ay mula sa 50 mga estado, kasama ang District of Columbia, iba pang teritoryo at mga repatriated cases.

Sa kabuuan ang death toll ay nasa 170,052 na.

US COVID cases MAP states John Hopkins
Tracking COVID-19 cases in the US (Johns Hopkins University)