-- Advertisements --
Pumalo na sa 26 katao ang nasawi matapos ang serye ng tornadoes sa mga lungsod at bayan sa South at Midwest ng US.
Maraming mga kabahayan din ang nasira at ilang lugar ang nawalan ng suplay ng kuryente.
Ayon sa National Weather Service na mayroong mahigit 80 ang naiulat na tornado mula pa noong Marso 31.
Galing sa mga lugar ng Arkansas, Tennessee, Illinois, Indiana, Alabama at Mississipp ang mga nasawi.
Inilagay na ni Arkansa Governor Sarah Huckabee sa state of emergency ang kaniyang lugar.
Tiniyak naman ni US President Joe Biden na kanilang tutulungan ang mga biktima ng bagyo.