-- Advertisements --
Pumalo na sa 71 katao ang kumpirmadong nasawi at 110 katao ang nasa pagamutan matapos ang malawakang pagbaha sa bayan ng Mai Mahiu sa Nakuru county sa Kenya.
Sinabi ni Nakuru governor Susan Kihika , na patuloy pa rin ang ginagawang paghuhukay ng mga rescuers a mga natabunan ng makapal na putik.
Ang pagbaha ay dulot ng ilang araw na malalakas na pag-ulan kung saan umapaw at nasira ang dam.
Mahigit isang linggo ng nakakaranas ng malakas na pag-ulan ang Kenya na nagdudulot ng mga flashfloods.
Mula noong Marso ay mayroong 103 katao na ang nasawi at pinalikas na ang ilang libong mga katao sa kanilang mga kabahayan dahil sa pagbaha.