-- Advertisements --
Umabot na sa 96 katao ang nasawi sa malawakang pagbaha sa Somalia.
Ayon kay Mahamuud Moallim ang namumuno sa disaster management agency ng Somalia, na maaring madagdagan pa ang bilang ng mga masasawi.
Dahil na rin sa walang humpay na pag-ulan ay maraming mga kalsada at kabahayan ang nasira.
Ilang libong mga katao na rin ang inilikas mula sa kanilang mga bahay na nalubog sa baha.