-- Advertisements --
Umakyat na sa pitong katao ang nasawi sa pagbagsak ng tulay sa Sitio Talisayan, Barangay Sampaloc IV sa Dasmariñas, Cavite.
Naganap ang pagguho ng tulay nitong gabi ng Martes na unang naiulat ay lima agad ang nasawi kabilang ang tatlong kabataan at 12-anyos na batang babae.
Sa imbestigasyon ng Dasmariñas City PNP , na nakatambay at naglalaro ang mga kabataan sa tulay ng ito ay biglang bumagsak.
Matagal ng isinara sa publiko at sa motorista ang “Tulay na Luma” o “Tulay na Hapon” dahil sa kalumaan nito subalit patuloy pa rin itong pinagtatambayan ng ilang residente doon.
Sa ngayon ay patuloy ang ginagawang paghahanap ng mga otoridad sa isang biktima na naiulat dahil sa pagbagsak ng tulay.