-- Advertisements --

Umakyat na sa 33 katao ang nasawi sa naganap na rocket attack ng Russia sa Black Sea port ng Mykolaiv, Ukraine.

Hindi pa kasi inihinto ng mga rescue groups ang pagtanggal sa mga bangkay na natabunan ng mga gumuhong gusali.

Inaasahan aniya ng mga otoridad na madadagdagan pa ang bilang ng mga bangkay na kanilang makikita.

Magugunitang tinamaan ng Russian missile ang Mykolaiv regional state government offices nitong nakalipas na Marso 29.