-- Advertisements --

Nagmatigas si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) religious group leader Pastor Apollo Quiboloy na hindi ito dadalo sa senado kahit na isubpoena pa ito.

Sinabi nito na ang mga testigong iprinesinta sa Senate committee on women and children na pinamumunuan ni Sen. Risa Hontiveros ay may kaso na korte.

Hinamon pa nito ang senador na magsampa na ito sa korte at handa itong harapin dahil alam niya na doon ay makakakuha siya ng hustisya.

Magugunitang iprenisinta sa senado ang dalawang testigo na umanoy inabuso ni Quboloy.