-- Advertisements --
CEBU CITY – Iniharap ng National Bureau of Investigation (NBI-7) regional director, Atty Renan Oliva sa mga taga-media ang isang pastor na nahuli dahil sa kasong illegal recruitment.
Ang suspek ay kinilalang si Bernardo Albarando, 53, at taga-Argao, Cebu.
Si Pastor Bernardo, ayon sa kanyang identification card ay miyembro nang tinaguriang Things To Come Mission Inc.
Sinasabing anim ang nagreklamo at nagsampa ng kaso sa pastor dahil sa hinihingan daw sila ng P150,000 bawat isa.
Sinasabihan daw niya ang mga na biktima na malaki ang matatanggap nilang sweldo at madali lang ang proseso sa pag-asikaso sa mga papeles.
Gayundin, marami na rin daw ang nakapunta ng abroad ngunit ang lahat ng ito ay isang scam lamang.