Hindi na naman sumipot ang mga opisyal ng KAPA Community Ministry International Inc. na isinasangkot sa multi billion peso investment scam sa preliminary investigation sa Department of Justice (DoJ).
Ito ay may kaugnayan sa mga kasong isinampa ng Securities and Exchange Commission (SEC) laban sa mga opisyal ng KAPA.
Tanging ang mga nagpakilalang counsel ng KAPA na sina Atty. Montano Nazario Jr., Atty. Karl Steven Co at Atty. Mae Divinagracia ang dumalo sa pagdinig bilang counsel nina KAPA founder Joel Apolinario asawang Reyna Apolinario na corporate secretary ng ministry at Rene Catubigan.
Walang dalang ano mang counter affidavit ang mga abogado kayat hiniling nilang panumpaan na lang muna ng kanilang mga kliyente ang kanilang counter affidavit sa provincial prosecutor ng Sarangani.
Pinagbigyan naman ito ng DoJ panel of prosecutors at inobliga ang mga counsel na isumite ang kontra salaysay ng mga respondent sa susunod na preliminary investigation na isasagawa sa Hulyo 29.
Dumipensa naman ang counsel na si Divinagracua Kung bakit no show pa rin ang mga isinasangkot sa investment scam sa isinagawang imbestigasyon.
Ayon sa mga counsel, may banta raw kasi sa buhay ang kanilang mga kliyente kaya hanggang sa ngayon ay hindi pa rin sila lumalantad sa publiko.
Humaharap ang mga opisyal ng KAPA sa kasong paglabag sa Securities Regulation Code na isinampa ng SEC.