-- Advertisements --

Magpapatayo pa ng walong esplanades ang Inter-Agency Council for the Pasig River Urban Development sa 25-kilometrong kahabaan ng Pasig River. 

Ayon kay Housing Secretary Jose Rizalino Acuzar, nagiging popular na ang ginawang esplanade sa likod ng Manila Central Post Office. NGunit hindi lamang daw ito beautification project dahil layon din ng ahensiya na maging daan ito upang mapaunlad ang turismo at mapadali ang transportasyon gamit ang Pasig River Ferry.

Dagdag pa ni Acuzar, itatayo ang siyam na sections sa kahabaan ng Pasig River na magkakaroon ng iba’t ibang disenyo at tema. Kapag natapos daw ay maaari nang madaanan ng mga bikers ang kahabaan ng ilog. 

Inaasahan ng ahensiya na matatapos ang proyekto sa loob ng tatlo hanggang limang taon kung saan makatutulong umano itong paluwagin ang daloy ng trapiko at masolusyunan ang problema sa polusyon.