-- Advertisements --
Aminado si Pasig City Mayor Vico Sotto na kakaunti na lamang ang natitirang nilang COVID-19 vaccine para gamitin sa first dose.
Sa Laging Handa briefing, sinabi ni Sotto na 11,000 vaccines para sa first dose na lamang ang natitira sa kanilang supply.
Ayon sa alkalde, kaya nilang makapagturok ng 7,000 doses kada araw para sa mga residente ng lungsod.
Ayon naman kay presidential spokesperson Harry Roque ay unti-unti nang bumababa ang hesitancy sa ngayon ng mga Pilipino pagdating sa pagpapabakuna kontra COVID-19.
Makikita naman aniya ito sa mahigit 12 million Pilipino nang nababakunahan kontra COVID-19 vaccine, makalipas ang limang buwan nang sinimulan ng national government ang vaccination program nito.










