-- Advertisements --

yamsuan2

Isinusulong ni Bicol Saro Partylist Representative Brian Raymund Yamsuan ang paggamit ng science-driven evidence gathering ng mga law enforcers at sinabing panahon na para i-phase out ang obsolete crime investigation methods gaya ng paraffin testing.

Punto ng mambabatas, sa kasalukuyang panahon kailangan na ang modernong pamamaraan sa pagkuha at pag preserve sa mga ebidensiya sa crime scenes.

Naniniwala kasi si Yamsuan na ang paglipat sa makabagong pamamaraan ng pagsisiyasat ng krimen gamit ang teknolohiya at forensic science ay makakatulong sa Philippine National Police (PNP) at sa iba pang law enforcers na mas masiguro ang ebidensya sa mga pinangyarihan ng krimen at mapabuti ang kanilang case build up sa korte.

Giit ni Yamsuan ang mga makabagong pamamaraan na ito ay dapat na dagdagan ng patuloy na edukasyon at muling pagsasanay sa mga pamamaraan ng operasyon ng pulisya.

Inihayag ng mambabatas ang isa sa obsolete technique gaya ng mga paraffin test na ginagawa sa mga taong pinaghihinalaang naglalabas ng baril ay matagal nang na ruled out ng Korte Suprema bilang hindi maaasahan o unreliable, mahigit 30 taon na ang nakararaan, at inabandona na bilang bahagi ng casework sa ibang mga bansa.

Dahil dito, naghain ng panukalang batas si Yamsuan ang House Bill No. 7975 na layong i-modernize ang crime investigation methods ng mga law enforcement agencies at maglagay ng mahigpit na pamantayan sa pagtiyak ng integridad ng ebidensya sa mga crime scenes.

“Out with the old, in with the new. Our law enforcers should ditch outdated crime investigation methods and embrace technology and science in doing their job. This would not only ensure airtight cases against crime suspects, it would help build the public’s trust in police investigations,” pahayag ni Yamsuan.

Bukod sa pag phase out sa mga obsolete crime investigation methods, layon din ng House Bill 7975 ang pagbibigay kahalagahan sa pag secure sa mga crime scenes at pag preserve sa mga ebidensiya.

Sa ilalim ng nasabing panukala, bubuo ng Crime Investigation Modernization Committee (CIMC) na pamumunuan ng Kalihim ng DILG at ng chief PNP, director ng National Bureau of Investigation (NBI) at dalawang forensic experts na appointed ng Pangulo bilang mga miyembro.

Sa ilalim ng panukalang batas, tungkulin din ng CIMC na makipag-usap sa mga dayuhang ahensya ng pulisya para sa posibleng paglipat ng teknolohiya sa mga forensic investigation.

Sinabi ni Yamsuan sa loob ng 3 taon matapos itong likhain, ang CIMC ay inatasan din na magsumite ng ulat sa Kongreso tungkol sa mga gastos at paraan ng pagpapatupad ng komprehensibong programa sa modernisasyon ng mga pagsisiyasat sa krimen.

“The science of criminal investigations should also change to keep up with the rapid pace of modern life, heavy reliance on computers and technology for a wide array of transactions. Keeping up with strategies is significant in the maintenance of peace and order in our society and in the administration of justice,” wika ni Yamsuan sa kaniyang explanatory note.