-- Advertisements --

Isinusulong ng isang mambabatas ang paggamit ng crop climate calendars sa pamamagitan ng satellite technology bilang paunang hakbang na maging climate-resilient ang sektor ng agrikultura at gagamitin ang mga local dialects sa paglaganap nito sa mga magsasaka sa ibat-bang bahagi ng bansa.

Inihain ni Bicol Saro Representative Brian Raymund Yamsuan ang panukalang batas ang House Bill (9129) o ang ” Climate-Resilient Agriculture Act na mag institutionalize sa paggamit ng crop climate calendars na pinasadya sa bawat lokalidad sa bansa bilang tulong sa mga magsasaka na mahasa gamitin ang teknolohiya sa pagtugon sa mga hamon dulot ng climate change.

“The traditional crop calendars distributed to farmers should be improved by coming up with crop climate calendars that would equip farmers with the knowledge they need to make informed decisions in helping secure the country’s food production, amid the disruptions brought about by climate change on their planting and harvesting schedules,” pahayag ni Yamsuan.

Sinabi ni Yamsuan, layon ng panukala na i tap ang expertise ng Philippine Space Agency (PSA) sa pagbibigay ng satellite data na magagamit sa pagpapaigting sa efficacy ng crop climate calendars.

Ipinunto ni Yamsuan sa sandaling maging ganap na batas ang panukala, nasa 9.7 million magsasaka ang magbenepisyo kung saan 708,000 ang employed sa Bicol Region.

Naniniwala si Yamsuan, ang pag institutionalize sa crop climate calendars, maiiwasan na ang pagkawala ng pananim.

Inihayag ng mambabatas na ang crop climate calendars ay dapat isang collaborative effort ng
Department of Agriculture (DA), Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), Philippine Space Agency (PhiiSA), at mga local government units (LGUs) upang matiyak na magiging kapaki-pakinabang sa mga magsasaka.

Aniya, dapat na mahabol ng gobyerno ang mabilis na pagbabago ng mga technological application
upang bigyang-daan ang mga magsasaka na gamitin ang kapangyarihan ng space at science sa pagbuo ng makabagong pagsasaka at pag-angkop sa mga pagkagambala na dulot ng climate change.

“The government should be able to catch up with fast-changing technological applications to enable our farmers to harness the power of space and science in developing innovative farming and adapting to the disruptions triggered by climate change,” dagdag pa ni Yamsuan.