-- Advertisements --

BOMBO DAGUPAN- Pormal nang sinelyuhan ang partnership sa pagitan ng Pangasinan Provincial Government at San Miguel Holdings Corporation para sa implementasyon ng Pangasinan Link Expressway (PLEX) Project na isinagawa sa Sison Auditorium, sa bayan ng Lingayen.

Kasama sa mga dumalo ng pagtitipon ay ang Elected Officials sa lalawigan sina Vice Gov. Mark Ronald Lambino kasama ang mga board members at department heads nito, 44 na alkalde sa lalawigan, at ilang kongresista.

Ayon kay Ramon Escang, ang San Migulel Holding Corp. owner, na isasagawa ang proyeko kapag nakakuha na ng right of way o ang pagbili ng mga madadaanang lupa.

Magsisilbi namang “game changer” ang PLEX Project sapagkat hatid nito ang geniune progress sa lalawigan.

Ayon kay Gov. Ramon Guico III, nirere-invent nito ang transportation landscape, mas mapapadali ang biyahe ng mga tao sa iba’t iba pang bayan at lungsod, at mapalakas ang oportunidad sa negosyo.

Nagkakahalaga naman ang proyekto ng P34 Billion na may habang 42.76 kilometers.

Makalipas naman ang 35 taon ay Pilipinas na ang magmamaniubre ng nasabing expressway.

Samantala, 30% naman nag matatanggap ng lalawigan sa kikitain ng proyektong ito.

Sa oras naman matapos ang proyekto ay mapapabilis at mapapadali naman nito ang pagpunta sa mga malalayong bayan o lungsod sapagkat mapapalapit na lamang ang Binalonan sa Manaoag, Manaoag patungong Calasiao, Calasiao hanggang Lingayen.