-- Advertisements --
Ibinunyag ni Paris Jackson na mayroon itong sakit na perforated septum.
Ang nasabing sakit ay isang uri ng hirap na paghinga.
Sinabi ng nag-iisang anak na babae ni pop superstar Michael Jackson na maaring nakuha nito ang sakit sa pagsinghot niya ng iligal na droga.
Sa social media account nito ay pinayuhan niya ang mga batang fans na huwag sumubok ng iligal na droga.
Dagdag pa ng 27-anyos na singer na mahigit limang taon na itong tumigil sa paggamit ng iligal na droga.















