-- Advertisements --
Inanunsiyo ni Paris Hilton na hindi ito makakadalo sa Coachella music festival.
Ito ang unang pagkakataon sa loob ng 16 na na hindi makakadalo ang tinaguriang ‘Queen of Coachella’.
Sinabi nito na abala na ito sa pag-alaga sa tatlong buwan na anak nitong si Phoenix BArron Hilton Reum.
Mas pinili ng singer na makasama ang anak at ilang mga kaibigan.
Sa susunod rin na linggo ay magtutungo siya sa Washington D.C. para makipagpulong kay Congressional leaders sa isinusulong niya na child abuse bill.
Mula pa noong 2007 ay hindi pinapaglagpas ng singer na dumalo at magtanghal sa 2-weekend event kaya doon niya nakuha ang palayaw na “Queen of Coachella”.