-- Advertisements --

Sugatan ang isang pari matapos na ito ay pagsasaksakin sa Nice, southern France.

Sinabi ni French Interior Minister Gerald Darmanin na kabilang sa sugatan ang dalawang iba pa habang sila ay nasa Saint Pierre d’Arène church.

Agad namang naaresto ng mga otoridad ang nasabing suspek kung saan sinasabing mayroon itong problema sa pag-iisip.

Ayon naman kay Nice mayor Christian Estrosi na nasa mabuting kalagayan na ang pari at hindi nila iniuugnay sa terorismo ang nasabing insidente.