-- Advertisements --

Inihambing ni Senadora Imee Marcos sa isang “Korean telenovela” ang pagharap ni Dating House Speaker Martin Romualdez sa Independent Commission for Infrastructure (ICI). 

Bagama’t aminado si Marcos na hindi niya alam ang dahilan kung bakit humarap si Romualdez sa ICI ngunit tinawag niyo itong isang  “panibagong script.”

Aniya, tila bagong plot twist ang sitwasyon at mas mabuting maghintay muna.

Naniniwala naman ang mambabatas sa mga miyembro ng ICI na makatutulong ang komisyon sa paglutas ng mga anomalya sa flood control projects basta’t huwag lang aniya magpaandar sa kung ano-anong gimmick. 

Humarap si Romualdez sa ICI upang tumugon sa imbitasyon ng komisyon kaugnay ng pagsisiyasat sa maanomalyang flood control projects.

Tiniyak nito ang buong pakikipagtulungan sa pagsisiyasat at ipinahayag na handa siyang sagutin ang lahat ng katanungan ng komisyon.