Nakatakdang maghain ng resolusyon sina dating Speaker Alan Peter Cayetano at kanyang mga kaalyado para himukin ang Kamara na maimbestigahan ang paraan kung paano nagamit ang pondo sa ilalim ng Bayanihan 1 at 2.
Ayon kay Cayetano, gagamitin nila ang mapipigang detalye sa magiging imbestigasyon na ito para naman sa pagtalakay sa itinutulak ngayon na Bayanihan 3 sa Kamara.
Sa madaling sabi, kung ano ang mga tamang ginawa sa Bayanihan 1 at 2 ay kailangan na mapasama rin sa Bayanihan 3.
Kung ano naman ang mga mali sa dalawang naunahan Bayanihan Laws ay dapat na hindi na maulit pa sa ikatlong economic stimulus.
Sa pamamagitan ng isinusulong nilang imbestigasyon ay malalaman din kung paano naipamahagi ang social amelioration program sa mga target beneficiaries.
Balita ni Cayetano na marami ang apela at ilang bilyon piso pa ang nasa bangko ng DSWD.