-- Advertisements --

ILOILO CITY – Sa kabila ng nararamdamang pressure at kaba, pursigido ang paralympic swimmer na si Gary Bejino na magpakitang-gilas bilang pinakaunang Pinoy na sasabak sa Tokyo 2020 Paralympics.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Bejino, sinabi nito na sa kanya nakasalalay ang momentum ng iba pang Pinoy para-athletes kung kaya’t mas malakas ang kanyang loob na galingan ang performance sa SM6 200 Meter individual medley sa Tokyo Aquatic Center.

Ayon sa 25-anyos na para-swimmer, ito ang kanyang debut sa Paralympics kung kaya’t pag-iigihan niya ang laro upang makamit ng Pilipinas ang pinakaunang gold medal sa Paralympics.

Kaya naman hindi raw niya sasayangin ang pagkakataong ito upang maipamalas ang kanyang galing na noong 2015 at 2017 ay back to back gold medalist sa ASEAN para games.

Si Bejino ay isang amputee bunsod ng aksidente noong siya ay pitong taong gulang ito.

Dahil sa aksidenteng ito, pinutol ang kanyang kanang braso at kaliwang paa.