-- Advertisements --
Target ng Para athletes ng bansa na mahigitan ang kanilang mga nahakot na medalya noong nagdaang Asean Para Games sa Indonesia.
Nakatakda muling sumabak ang mga Para athletes ng bansa sa 12th Asean Para Games na gaganapin sa Cambodia mula Hunyo 3-9.
Mayroong 172 na para athletes at 45 coaches ng sasabak sa 14 na sports events sa nasabing torneo.
Noong nakaraang Para Games sa Indonesia ay pang-lima ang puwesto ng bansa na mayroong 28 golds, 30 silvers at 46 bronze medals ang kanilang nahakot.