-- Advertisements --

Lumakas pa ang bagyong papalapit sa Pilipinas.

Ayon sa Pagasa, nasa tropical storm category na ito at inaasahang aakyat pa hanggang typhoon category sa mga susunod na araw.

Inaasahan ang landfall nito sa Caraga at Esatern Visayas area.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 1,645 km sa silangan ng Mindanao.

Taglay na nito ang lakas ng hangin na 65 kph at may pagbugsong 80 kph.

Kumikilos ito nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 20 kph.