-- Advertisements --

Itinuturing na historic at symbolic ang pagbisita ni Pope Francis sa Democratic Republic of Congo.

Si Pope Francis ang sumunod sa yapak ni Pope John Paul II na bumisita sa Central African nation noong 1980 at 1985.

Ayon kay Father Dave Tacay ng Congregation of the Immaculate Heart of Mary at Bombo International Correspondent sa Democratic Republic of Congo, dahil sa landmark trip ng santo papa, may festival-like celebrations sa bansa kung saan nakatira ang largest Catholic population sa Africa.

Mainit umano ang pagtanggap ng Catholic faithfuls sa Santo Papa, at ikinagalak rin ng mga ito ang mensahe ni Pope Francis na paghimok sa bansa na magpatawad na sa gitna ng nangyayaring conflict.

May address rin ang Santo Papa sa authorities, civil society, diplomatic corps, young people, bishops, clergy and religious, consecrated men and women.

Hinimok rin umano nito ang mga kabataan na mangarap para sa magandang kinabukasan at labanan ang corruption, hatred at ethnic rivalries.

Pagkatapos sa Democratic Republic of Congo, binisita rin ni Pope Francis ang South Sudan kung saan i-highligght rin ang long-running conflicts sa bansa at ang kahalagahan ng Africa sa kinabukasan ng Catholic Church.

Ang Africa umano ang fastest-growing location para sa Catholic Church, may higit 200 million worshippers, ngunit nananatiling under-represented umano sa Vatican leadership.