-- Advertisements --
Hinikayat ng residential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang Philippine Amusement Gaming Corporation (PAGCOR) na paigtingin ang pagbabantay laban sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).
Kasunod ito sa pagpapasara ng ahensiya ng iligal na pagamutan sa lungsod ng Pasay na karamihang mga pasyente nito ay mga iligal na POGO Workers.
Giit ni PAOCC Spokesperson Winston Casio na dapat gawin ng PAGCOR ang kanilang trabaho gaya ng paghigpit ng inspections at pagbawalan ang mga POGO na mag-operate ng provisional licenses.
Mahalaga na makipag-ugnayan sila sa Bureau of Immigration dahil sa may ilang POGO workers ay may visa at ito ay hindi para sa Internet Gaming License.