-- Advertisements --

Inaprubahan na ng House Defeat COVID-19 Ad Hoc Committee ang Financial Institutions Strategic Transfer (FIST) Bill na naglalayong tulungan ang mga bangko at iba pang financial institutions na makabangon sa epekto ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay House Committee on Banks and Financial Intermediaries Chairman Junie Cua, hangad ng inihain niyang House Bill 6622 na tulungan ang mga financial institutions sa kanilang mga pautang at management sa non-performing assets (NPAs).

Sa ngayon kasi, sinabi ni Cua, karamihan sa mga financial instutions ay nakakaranas ng delay sa kanilang loan collections at tumataas din ang kanilang NPAs.

Iginiit ni Cua na hindi nagagampanan ng husto ng mga bangko at financial institutions ang kanilang papel sa finacial intermediation dahil sa kanilang NPAs.

Kaya layon ng panykala na himukin ang mga ito na ibenta na ang kanilang mga NPAs sa mga asset management companies tulad ng Financial Institutions Strategic Transfer Corporations (FISTC).