-- Advertisements --

Umaasa si Ang Probinsyano party-list Rep. Ronnie Ong na mapasama sa mga prayoridad ng Kamara sa susunod na taon ang pag-apruba sa panukalang “Trans-Fat Free Philippines Act”.

Ito ay matapos na aprubahan ng House Committee on Health ang House Bill 7202 na naglalayong i-regulate ang paggamit, import, manufacture, distribution at pagbebenta ng mga food products na may mataas na trans-fatty acids (TFA).

Sa ilalim ng panukala, na iniakda ni Ong, ipagbabawal ang pag-manufacture, importation, distribution pagbebenta ng partially hydrogenated oil (PHO), oils and fats na gawa o mayroong PHOs na mayroong TFA content ng mahigit na 2 gramo sa bawat 100 gramo.

Makakatulong aniya ito upang mapangalagaan ang kalusugan sa pamamagitan nang pabawas o pagtanggal sa mga produktong mayroong TFA.

Kapag maging ganap na batas, mapapasama sa mandato ng Department of Health ang pag-convene at pangunahan ang Inter-Agency Force on TFA para sa epektibong implementasyon nito.

Ang TFA Task Force ay bubuuin ng National Nutrition Council (NNC), Food and Drug Administration (FDA), Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Science and Technology (DOST), Department of Agriculture (DA), Department of Finance (DOF), at iba pang ahensyang tutukuyin ng DOF.