-- Advertisements --

salceda5

Aprubado na ng House Committee on Ways and Means ang panukalang batas ang Rationalize Mining Fiscal Regime.

Layon ng nasabing panukalang batas na itaas ang public tax revenues at i-promote ang transparency sa mining industry.

Ayon kay Ways and Means Chair at Albay Representative Joey Salceda, sa ilalim ng panukala, itataas ang government share sa pamamagitan ng pagpapatupad ng single fiscal regime na applicable sa lahat ng mining agreement.

Sinabi ni Salceda, target ng panukala ang P20 billion incremental revenues na nasa .1 percent ng GDP na siyang sagot sa medium term fiscal frame assumption ng Marcos Administration.

Nasa 60:40 revenue dividend naman ang hatian ng national government at host local government unit.

Sa sandaling maging ganap na batas ito, hihikayatin nito ang new mining fiscal regime ang full public disclosure on extractive industries, habang istriktong ipatutupad ang responsible and sustainable mining practice.

“With the committee approval of the fiscal regime for mining, the House Committee on Ways and Means completes all of its assignments from the President,” pahayag ni Salceda.

Dagdag pa nito sa ilalim ng panukala, ang large-scale metallic mining operations sa loob ng mineral reservations ay sasailalim sa isang royalty rate.

Suportado naman ng Chamber of Mines of the Philippines Executive Director Ronaldo Recidoro ang nasabing panukala.

“It would give the government a fair and increased tax take from mining while ensuring the competitiveness, attractiveness, and sustainability of the country’s mining industry,” wika ni Recidoro.