-- Advertisements --

Tinawag na anti-poor ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Isagani Zarate ang panukalang patawan ng buwis ang junk food.

Ayon kay Zarate, dapat ibasura at ibaon sa limot ang panukalang ito katulad ng Asin Tax na bigong maaprubahan noong 17th Congress.

Katulad ng Asin Tax, pinapalabas aniya sa ngayon ang proposed junk food tax bilang isang health bill.

Pero higit na maapektuhan aniya rito ang mga mahihirap dahil kabilang sa mga pagkain na target buwisan ng isinusulong na panukalang batas ay ang mga food products na kadalasang binibili ng mga mahihirap na Pilipino.

Base aniya sa proposal ng National Tax Research Center (NTRC) at ng Senado, papatawan ng 10-20% excise tax ang mga junk foods.

Dahil dito, ang kwek-kwek na nagkakahalaga ng P20 sa ngayon ay magiging P22 hanggang P24 na dahil sa buwis.

Tataas na rin kung sakali aniya ang presyo ng instant mami at pancit canton, na kadalasang binibili ng mga mahihirap bilang kanilang ulam.

Hindi aniya dapat mga mahihirap ang dinadagdagan nang pasananin ng pamahalaan kundi ang mga may kaya sa buhay.

“As it is this proposed tax is another consumption tax that hits the poor more. If the government really wants to increase its coffers than pass a progressive tax system that taxes the rich more rather than the poor. A wealth tax is an example of this tax, like a 1% tax on every million an individual, family of corporation owns or something to that effect,” ani Zarate.

“It is tragically ironic that the government wants to tax more the poor but it rushed the passage of the bill in Congress that would lower the income tax rate of corporations and the rich. It is not the sin of the poor that they can only afford a poor people’s diet. It is their concrete present abject condition in our country that prevent them from getting healthy food,” dagdag pa nito.